Linggo, Disyembre 20, 2015

Laguna: Saya sa KasaySAYAn

Disyembre 20, 2015

Kahapon ay nalakbayan na namin ang ilan sa mga lugar sa Laguna. Ang ilan sa mga ito ay ang Calamba, San Pablo, Liliw, Magdalena, Nagcarlan, at iba pa. Napakasaya namin sa kabila ng ulan at trapiko dahil marami kaming napuntahang magagandang pook doon.

Isa sa mga napuntahan namin ay ang Rizal Shrine sa Calamba. Ang Calamba ay ang lugar na pinagsilangan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. 




Napuntahan din namin ang San Pablo kung saan makikita ang Pitong Lawa (Seven Lakes). Ang mga lawang ito ay ang Palakpakin Lake, Mojicap Lake, Pandin Lake, Yambo Lake, Sampaloc Lake, Kalibato Lake at ang Bunot Lake. Ang Sampaloc Lake ay ang pinakamalaki sa mga ito.




Ang Liliw naman ay kilala sa iba't ibang klase ng mga sapatos. Bukod sa katotohanang may kalidad ang mga ito ay mas mura pa ang mga ito kumpara sa mga binebenta sa mga "mall".





Isa pa sa mga lugar na napuntahan namin ay ang Magdalena Church kung saan dinala si Emilio Jacinto pagkatapos ng pakikipaglaban niya sa mga Kastila noon. 





Napuntahan din namin ang Nagcarlan Underground Cemetery. Ang sementeryo na ito ay matatagpuan sa ilalim ng simbahan. Ito ay ginamit ng mga Katipunero noon bilang isang lugar ng pagpupulong.





Ilan lamang ang mga ito sa mga magaganda at makasaysayang pook na matatagpuan sa Laguna. At sa kabila ng ulan at trapikong naranasan namin, masaya pa rin kami na Laguna ang napili naming lugar na puntahan. At dahil dito, masasabi naming ang Laguna ay ang naglalagay ng SAYA sa kasaySAYAn.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento