Ngayong araw na ito, ay naghanda kami para sa aming paglalakbay sa Laguna na magaganap bukas. Sabik na sabik na kami!
Nagsaliksik na kami ng kasama kong si Ayumi tungkol sa mga lugar na maaari naming puntahan bukas. Napakaraming magagandang pook na matatagpuan sa Laguna, ngunit hindi namin mapupuntahan ang lahat ng ito.
Bukod dito ay inihanda na rin namin ang mga bagay na kakailanganin namin para bukas. Ang ilan sa mga ito ay ang kamera at payong. Ayon sa Tita ko sa Laguna ay maaari kaming abutan ng ulan bukas na siyang dahilan ng pagdala namin ng payong. At dahil Sabado bukas, may posibilidad din na maipit kami sa trapiko.
Napag-usapan na rin namin kung saan kami magkikita at kung anong oras kami aalis bukas.
Dahil dito, masasabi naming handa na kami maglakbay sa Laguna.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento